top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

3 arestado sa drug den

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 28, 2023


NUEVA ECIJA — Tatlong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Buliran, San Antonio sa lalawigang ito.


Itinago muna ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na Gerwin, Jayson at Darwin, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page