3 ‘akyat-bahay’, nanloob sa mall
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 8, 2024
ZAMBOANGA CITY -- Tatlong miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” ang pinaghahanap ng mga otoridad matapos manloob kamakalawa sa isang mall sa MCL Lobregat Highway, sa lungsod na ito.
Ang nilooban ay ang Yubenco Mall sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, nakapasok ang mga suspek sa mall sa pamamagitan ng pagdaan sa imburnal na nasa labas patungo sa drainage system ng establisimyento.
Sa imbestigasyon ay tinatayang nasa higit P2 milyon cash at mga alahas ang natangay ng mga suspek sa tatlong jewelry store at sa sinira nilang ATM machine.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga aotoridad para madakip ang mga suspek.



Comments