top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2nd tranche ng ayuda sa mga tsuper, kasado na

BULGAR
Jun 16, 2022
1 min read

@Editorial | June 16, 2022


Malapit na umanong makumpleto ang pamamahagi ng fuel subsidy sa sektor ng pampublikong transportasyon.


Kasunod nito, sinimulan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ‘second tranche’ ng ayuda.


Hanggang kamakalawa, 31,992 na lamang sa 264,578 benepisaryo ang hindi pa nakatatanggap ng ayuda na P6,500.


Inaasahan na matatapos ang distribusyon sa public utility vehicle operators at drivers bukas., Hunyo 17.


Sa hanay naman ng delivery riders sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI), 22,517 sa 27,777 ang nabigyan na ng ayuda.


Kahit paano, masasabing malaking tulong ang ayuda mula sa gobyerno, hindi pangmatagalan pero may maitatawid pa ring pangangailangan.


Ang tanong, hanggang kailan kakayanin ng pamahalaan na magbigay ng tulong-pinansiyal?


Kaya nga ang palaging pakiusap sa kinauukulan ay mag-isip at magplano ng masasabing pangmatagalang solusyon sa isyu ng taas-presyo sa petrolyo.


Batid na natin na wala tayong magagawa sa dikta ng presyuhan, at tayo talaga ang mag-a-adjust. Kailangan na ng maraming options. At mas matinding diskarte.


Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon, mas lalong lolobo ang utang ng ‘Pinas at maaapektuhan na rin ang kabuuan ng ating ekonomiya.


Kaya mabigat na hamon ang sasalubong sa bagong administrasyon. Tayo naman bilang mamamayan, tulungan natin ang ating pamahalaan at simulan ito sa ating mga sarili.


Palaging maging responsabale, iangat ang sarili, alagaan ang pamilya at makiisa sa magagandang layunin ng gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page