250 supporters ng NPA, sumuko

@Balitang Probinsiya | December 23, 2020
NORTH COTABATO—Sumuko sa pamahalaan ang 250 supporters ng Komunistang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bayan ng Talunan.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong supporters ng NPA.
Napag-alamang isinuko rin ng komunista ang mga dala nilang subersibong dokumento sa 39th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) sa lalawigan.
Ayon sa sumukong NPA supporters, nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil gusto na nilang magbagong-buhay.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong supporters ng komunista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.



Comments