top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

24 online sabong operator, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 3, 2023


PANGASINAN – Nasa 24 na operator ng online sabong ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa isang compound sa bayan ng Laoac sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya na may mga nagsasagawa ng online sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong at mga electronic equipment na gamit sa online sabong.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal gambling.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page