24-day baby, naka-recover sa COVID-19
- BULGAR

- Jul 10, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - @News | July 10, 2020

Naka-recover ang isang sanggol sa Neuva Ecija sa COVID-19 at muling nakasama ang kayang ina ayon sa mga awtoridad.
Nagnegatibo naman sa COVID-19 ang ina ng sanggol ngunit ang ama nito ay nasa ilalim ng 14-day quarantine.
Na-admit ang sanggol sa Gonzales General Hospital sa San Leonardo at na-transfer sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center noong Hulyo 2.
Halos 88 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 ang naitala sa nasabing lugar matapos magpositibo ang mga sea-based workers at mag-asawa at 66 naman ang mga gumaling.
Ang 33-anyos na seaman ay residente ng Imelda ang nagpa-test dahil isa ito sa mga requirements niya sa kaniyang trabaho noong Hulyo 7 at nai-release kahapon, Hulyo 8, ang mag-asawang 39-anyos at 41-anyos ay nasa ilalim na ng 14-day quarantine at pinaghahanap pa kung kanino sila nahawa.





Comments