top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

23 teroristang Abu Sayyaf sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 9, 2023



SULU – Dalawampu’t tatlong miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Indanan sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista.


Nabatid na isinuko rin ng mga ASG sa mga awtoridad ang dala nilang mga armas at mga pampasabog.


Ayon sa mga sumurender na terorista, nais na nilang makapiling ang kanilang pamilya kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.


Isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASG upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page