@Balitang Probinsiya ngayong | Pebrero 28, 2024
BASILAN – Dalawampu’t dalawang mga baril at mga bala ang isinuko sa mga otoridad kamakalawa ng ilang residente sa tatlong munisipalidad sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga residente ng Ungkaya Pukan, Tipo-Tipo at Albarka na nagsuko ng kanilang mga armas.
Napag-alaman na ang mga isinukong armas ay mga assault rifles at grenade launchers.
Ayon sa mga otoridad, nagpasya ang mga residente na isurender ang kanilang mga armas bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan na isuko ang mga loose firearms.
Panawagan ng mga otoridad sa mga residenteng may mga armas na walang dokumento na isuko ang mga ito upang hindi maharap sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosives.
Comments