21 miyembro ng NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | December 01, 2021
CAGAYAN—Dalawampu’t isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Bangag, Lal-lo.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang dala nilang mga armas at subersibong dokumento.
Sinabi ng mga sumukong NPA na nagsawa na sila sa matagal na panahong pakikipaglaban sa pamahalaan kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments