top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bored na bored sa buhay… ANGELICA, ATAT NA ATAT NANG MAY MANLIGAW SA KANYA, NANAWAGAN SA SOCMED

  • Vinia Vivar
  • Jun 21, 2020
  • 1 min read

'Katuwa ang tweet ni Angelica Panganiban at mukhang bored na bored na rin siya sa quarantine life.

“May magkaka-crush pa kaya sa 'kin... hay. Nakakabaliw na din ang quarantine life,” tweet niya.

Pinatulan naman siya ng mga netizens at sumagot na marami pa rin daw magkakagusto sa kanya dahil sa ganda niyang ‘yun.

“Naku, ako nga, bakla, crush na crush kita. Lalaki pa kaya? Kahit pa tumaba ka, naku, wala 'yun. 'Di na uso body shaming ngayon. Mga makikitid ang utak na lang gumagawa nu'n,” komento ng isang netizen.

Ka-touch din ang isang follower niya na nag-send ng portrait ng aktres na gawa raw ng kuya niya.

“Ms. @angelica_114 sobrang CRUSH & LOVE po kayo ng kuya ko. eto po 'yung katibayan.. few years ago po n'ya eto ginawa. take care & God bless,” tweet ng netizen.

Sagot naman ng isa pa, “Isa ka po sa mga pinakamagandang mukha sa Pilipinas. You're beautiful inside and out.”

Actually, isa si Angelica sa mga laging nasasawi sa pag-ibig kaya ang laging dasal ng kanyang mga tagahanga ay matagpuan na raw sana nito ang tamang lalaki na magpapaligaya sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page