After kumalat ang piktyur nila… JOHN LLOYD, IDINENAY NA BF NG BATAMBATANG RIDER-VLOGGER SA CEBU
- Melba Llanera
- Jun 21, 2020
- 1 min read

"Shout-out sa author pati na rin sa mga pages (na) gumagawa ng issues! Nagpa-picture lang, jowa agad. Uhaw na uhaw siguro sila ng followers para ma-boost din page nila. 'Pag gusto ninyo sumikat pag sugba mo ice (mag-ihaw kayo ng yelo), rich mindset ba! Naunsa natog mo?? (Bakit nakatulog ba kayo?) HAHAHAHAHAHAHA."
Ito ang halatang iritadong pahayag ni Maria Rica Cabarrubias o mas kilala bilang si Jet Lee sa kanyang official Facebook account pagkatapos kumalat sa social media ang larawan at balita na nag-uugnay sa kanila ng sikat na Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.
Nagsimula ang lahat dahil sa picture na ipinost ng batambatang motovlogger kasama si John Lloyd na may caption na, "With John Lloyd Cruz. When JL meets JL," kung saan ay pareho sila ng suot na motocross outfit na nakasulat ang pangalan ng dalagang motovlogger.
Agad namang nabigyan ng kulay ang lumabas na larawan nila ni John Lloyd lalo't naging bukas na rin si Ellen Adarna na may bago na itong karelasyon sa ngayon at co-parenting na lang talaga ang samahan nila ng aktor para sa anak nilang si Elias Modesto.
Hinihintay pa ng iba kung idi-deny din ba ni John Lloyd ang balita o dedeadmahin na lang nito lalo't kilalang malihim ang kontrobersiyal na aktor pagdating sa kanyang personal na buhay.





Comments