Rider, tepok sa nakaparadang trak
- BRT
- Jun 20, 2020
- 1 min read
CAVITE — Namatay ang isang rider nang aksidenteng bumangga sa nakaparadang trak ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Burol, Dasmariñas City.
Ang biktima ay nakilalang si Salvador Salaver, residente ng Bgy. San Nicolas II sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Salaver ang kanyang motosiklo ay hindi nito napuna ang nakaparadang trak sa gilid ng kalsada kaya bumangga sa nasabing sasakyan ang biktima.
Sa lakas ng pagkakabangga ang nagtamo ng malaking sugat sa ulo at nagkaroon ng pinsala sa katawan ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments