top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Isinilang sa Year of the Horse, ‘di mahilig sa drama pero may ibang paraan para makatulong sa kaibig

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 20, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Horse ngayong Year of the Metal Rat.

Ang Horse o Kabayo ay ang ika-pito sa 12 animal signs ng Chinese Astrology. Kung ikaw ay isinilang noong 1930,1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002 at 2014, ikaw ay mapabibilang sa mga indibidwal na pinaghaharian ng animal sign na Horse.

Bukod sa likas sa Kabayo ang pagiging mabilis kumilos at mag-isip, isa rin sa pangunahin niyang katangian ay ang mahilig sa aksiyon at pakikipagsapalaran.

Dagdag pa rito, ang Kabayo ay likas ding masigla at malakas ang loob, kaya naman ang mga gawaing may kaugnayan sa aspetong pisikal na pangangatawan ay may malaking appeal sa kanyang pagkatao. Dahil dito, tugmang negosyo o career sa Kabayo ang mga gawaing may kaugnayan sa physical fitness, mountain climbing, cycling, car and motor racing at iba pang gawaing may kaugnayan sa pag-e-ehersisyo at pagpapalakas ng katawan.

Dahil sa kasiglahang ito, ang Kabayo ay parang walang kapaguran at laging masigasig sa lahat ng kanyang inaaturga at ginagawa. Hindi rin siya basta-basta naitutuwad ng anumang uri ng pagsubok dahil bukod sa malakas ang kanyang pisikal na pangangatawan, lagi ring buhay at masigasig ang panloob niyang kaluluwa. Ang tulad niya ay matapang na girero o mandirigma, patay na ang lahat ng kanyang mga kasamahan, samantalang siya ay makikitang patuloy pa rin sa pakikipaglaban.

Kaya naman ngayong 2020, anumang pagsubok ang dumating sa kanyang buhay tulad ng COVID-19, ito ay agad-agad niyang malalagpasan at malalabanan nang may dignidad at pagmamamalaki, na sa bandang huli ay makikitang matapos ang mga pagsubok at problema sa buhay na ito, isa siya sa makikitang mabilis na nakaka-recover at sa kanyang pagbangon, lalo pa siyang magiging masigasig at matagumpay.

Ang problema sa Kabayo ay ang bagay na hindi siya puwedeng kulungin o bigyan ng paulit-ulit na gawain. Ayaw na ayaw ng Kabayo ang ganitong career at tiyak na mabo-bored siya kung ipipirmis sa iisang lugar at gawain. Para sa Kabayo, ang isa sa pinakamasayang dapat gawin ay maglakbay nang maglakbay at rumampa. Dumanas ng marami at iba’t ibang mga bagay sa mundong ito. Kapag ganu’n ang gawaing ibinigay o ipinagkaloob mo sa Kabayo, makikita mo siyang ubod ng unlad, masaya at matagumpay.

Kaya naman bukod sa nasabing mga career at negosyo, bagay sa Kabayo ang gawaing may kaugnayan sa pagbebenta, reporter o researcher na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at bansa.

Samantala, bilang kaibigan at katuwang sa buhay, hindi mo naman maaasahan ang Kabayo na sumimpatya sa iyo o dumamay agad-agad. Bagkus, hindi ka niya seryosong papansinin ang iyong mga problema dahil likas sa kanya ang pagiging mainipin at ayaw makialam sa mga kadramahan ng buhay ng ibang tao. Sa halip, para sa Kabayo, ang pagiging masaya at pagtakas sa lahat ng uri ng kalungkutan at kadramahan sa buhay ang higit na mahalaga at ito ang mga bagay na magpapasigla sa kanya. Magagawa ng Kabayo na dagdagan ang kuwento upang magkaroon ng bagong kulay at lalo pang gumanda ang mga pangyayari. Gayundin, magagawa niya na mag-imbento ng kuwento upang mas maging masaya at mawala ang problema ng mga taong nakikinig sa kanya.

Hindi siya mahilig makinig sa mga kadramahan at problema ng kaibigang lumalapit sa kanya at upang makatulong sa kaibigang may problema, ang naiisip niyang epektibo at mabisang solusyon ay ipapasyal ka niya at dadalhin sa mga lugar o pasyalang lalakas ang tiwala mo sa iyong sarili at tataas ang level ng iyong espiritu to the max, upang agad mong makalimutan ang iyong mga problema at mga suliranin na bumabagabag sa iyo sa kasalukuyan.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page