top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di pa raw alam nu'ng una, nang matauhan, ibinulgar sa socmed... UTOL NI JAMESON, NA-RAPE NG

  • Julie Bonifacio
  • Jun 20, 2020
  • 2 min read

Isa sa mga nag-react sa sensitibong isyu ng rape ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan at hanggang ngayon ay mainit pa rin itong pinag-uusapan lalo pa't may ibang sikat na celebrities na rin ang nagbigay ng kanilang reaksiyon tungkol dito.

Kahapon, simple pero matapang ang naging tweet ng sister ni Kapamilya star Jameson Blake sa kanyang Twitter account.

"Trigger warning: sexual assault, rape," simula ng tweet ni Abigail Blake, sister ni Jameson.

Kasunod nito ay muling ipinost ni Abigail ang tungkol sa pagkaka-rape sa kanya when she was 16 years old ng dalawang kaibigang lalaki "while she was heavily intoxicated" o lasing na lasing.

Ipinost ni Abigail ang pagbubulgar na na-rape raw siya at the age of 16 noong December 2, 2017.

Ang tweet na 'yan ni Abigail ay nasundan pa ng mahabang thread sa reply section ng kanyang Twitter account kung saan idinetalye niya kung paano siya pinagsamantalahan ng dalawang lalaki.

"During that time, it never crossed my mind that I was raped. I never thought such thing could happen to me. All I could think of is that they took advantage of me while I was in a vulnerable state, and that I did not like or want what happened to me," tweet ni Abigail.

Sinabi raw niya sa boyfriend niya what happened to her the next day. Nagalit ang boyfriend niya at napamurang sinabi sa kanya na ni-rape siya.

Naikuwento rin daw niya ito sa majority of her "friends" but they treated it na parang "it was just a fucked up night" at 'di naman big thing. Feeling niya, na-brainwash ang isipan niya na puwedeng tama ang mga kaibigan niya, kaya hindi na raw siya nagsalita.

Muli raw niyang inilahad ang kanyang kuwento para sa mga taong nanamantala sa kanya and treated the situation na parang it's something that they can just put behind easily.

Nagparating din siya ng mensahe to educate ang mga tulad niyang biktima ng rape na feeling nila, sila ang may kasalanan at hindi pa handang magsalita. Gayundin, sa mga tao na iba ang pagtingin sa usaping pananamantalang seksuwal.

Okay lang daw kung hindi pa ready magsalita ang ibang biktima ng rape. Ang importante raw ay i-prioritize muna nila ang kanilang damdamin at tandaan na hindi nila ito kasalanan.

"Keep in mind that these kind of experience take time to mentally sink in. There is no correct way of reacting to sexual assault. You may feel confused, upset, angry, or you may have no idea what to feel or how to react. Whatever you feel is valid," pagtatapos ng tweet ni Abigail.

In-offer din ni Abigail ang sarili na handang tumulong sa mga gaya niyang biktima ng rape.

"If any of you need someone to talk to, my DMs will always be open. I am here for you."

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page