Sa dinami-rami ng puwedeng gawing deputy ng TESDA, abusado pa ang itinalaga ni P-Duterte, tsk!
- Pabs Hernandez III
- Jun 19, 2020
- 2 min read
SIGA-SIGANG ABUSADO ANG ITINALAGA NI P-DUTERTE NA DEPUTY NG TESDA—Ang nagsiga-sigaan noon na ayaw magpa-ocular inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na si ex-ACT-OFW partylist Rep. Aniceto Bertiz ay itinalaga ni P-Duterte bilang deputy director-general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Hay naku, sa dinami-rami ng mga career officials sa TESDA na puwedeng gawing deputy director-general ng ahensiyang ito ng gobyenro, eh, ang abusado pang si Bertiz ang napili ng Pangulong italaga sa mataas na posisyon sa TESDA, buwisit!
◘◘◘
DAHIL KAY BERTIZ, BATIKOS NA NAMAN ANG INABOT NI P-DUTERTE—Kung sinuman ang nagpayo kay P-Duterte na italaga si Bertiz sa TESDA ay sablay ‘yan!
Kita ninyo ang nangyari, pinuputakti tuloy ng batikos ang Pangulo sa pagkakatalaga kay Bertiz sa TESDA, boom!
◘◘◘
BAD ANG PAMBABASTOS NINA MARCOLETA AT REMULLA SA LOLO NG ABS-CBN—Dalawang beses nakatikim ng pambabastos ang 94-anyos na si ABS-CBN former General Manager Jake Almeda Lopez nang habang nagsasalita siya ay biglang umeksena ang dalawang pro-Duterte congressmen na sina Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta at Cavite Rep. Boying Remulla at pinatitigil siya sa pagsasalita.
Bad ang ginawang ‘yan nina Marcoleta at Remulla kasi inimbitahan nila si Lolo Jake na makapagsalita para sa panig ng ABS-CBN tungkol sa hinihirit na prangkisa ng Kapamilya network, tapos babastusin lang nila ng live sa telebisyon at social media? Mga pwe!
◘◘◘
MGA NAG-O-OPERATE NG ILLEGAL CHINESE CLINIC, DAPAT IPA-DEPORT—Ibinulgar ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na nag-operate na naman ang ipinasara nilang illegal Chinese clinic na gumagamot sa mga may virus na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Chinese workers sa lungsod.
Aba, kung ganyan katitigas ang ulo ng mga Chinese na illegal na nag-o-operate ng Chinese clinic sa Parañaque, eh, ang dapat nang gawin ni Mayor Olivarez ay ipa-deport na sila pabalik sa China, period!





Comments