top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Miyembro ng NPA, timbog

  • BRT​
  • Jun 19, 2020
  • 1 min read

Albay—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Santicon, Polangui.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jay Abache, alyas Ka Bunso, nakatira sa Mariawa, Legazpi City.

Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad si Abache na naglalakad sa Bgy. Santicon kaya agad itong dinakip ng pulisya.

Hindi na nagawang manlaban ni Abache nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang suspek para madakip ang mga kasamahan nitong rebelde na nag-o-operate sa lalawigan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page