top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Señor... Dahilan kung bakit dapat magpayaman ang tao kahit may sariling ipon

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Jun 19, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Tulad ng nabanggit sa nakarang isyu, hindi tayo puwedeng mabuhay lang sa takot. Ang totoo nga, masasabing ang nabubuhay sa takot ay para na ring walang buhay, as in, lifeless, kaya may COVID-19 pandemic man o wala, dapat tuloy lang ang buhay.

Ano naman ang palantandaan ng buhay? Hindi naman mahirap sagutin ang tanong na ito dahil kapag doktor ang sasagot, agad na sabihin ay tingnan kung may pulso at kapag nadama ang pulso, sasabihin niya na may buhay pa ito.

Ang madarama niya ay ang tibok ng ugat kung saan ang ibig sabihin ng tibok ay may galaw, tapos hihinto, tapos gagalaw ulit at ganu’n nang ganu’n. Ganundin ang puso, titibok-tibok kaya buhay. Ang may buhay ay humihinga. Ang hinga ay ang paghinga ng inhale at exhale o hingang papasok at hingang papalabas.

Kaya makikitang ang isa sa lihim na susi ng tagumpay ang isang hakbang papaatras at dalawang hakbang pasulong. Ito ang nagpayaman sa mga mayayaman na at nagpapayaman pa.

Ang isang hakbang paatras at isang hakbang papasulong ay hindi nakapagpapayaman dahil ito ay nagreresulta lang sa maayos na buhay. Sa madaling sabi, ang kailangan ng tao ay paraan kung paano pagagandahin ang kanyang kinabukasan. Ito rin ang dahilan kung bakit ang tao ay dapat yumaman o magpayaman. Walang katiyakan ang kanyang hinaharap, kaya dapat ay kumilos siya nang kumilos para sa kinabukasan.

Ang taong nagsasabi na kapag sapat na ang ipon o pera niya ay okey na. Ang ganitong salita ay kakikitaan na para bang alam niya ang sapat na at hindi pa sapat dahil sa totoo lang, hindi kailanman alam ng tao ang sapat na sa kanya at hindi pa.

Ang alam lang niya ay kailangang paghandaan ang kinabukasan, ibig sabihin ng salitang “paghandaan” ay nakahanda siya sa anumang ibibigay ng kanyang kapalaran at dahil dito, hindi siya dapat tumigil sa paghahanda dahil hindi rin humihinto ang kalendaryo ng kanyang buhay, maliban na lang kung siya ay patay na.

Ito ay para lang sa kanyang pansariling kalagayan na ang ibig sabihin ay kahit sabihin niyang may sapat na siyang ipon, paano naman ang kanyang mga mahal sa buhay, may sapat din kaya silang naipon? Maaaring ang iba ay meron, pero tiyak na hindi lahat sila ay may ipon. Ang mga bata ay wala kang kakayahan tulad niya, eh, ang kanyang asawa, kumusta kaya? Ang kanyang mga magulang, ano na kaya?

Kaya wala siyang magagawa kundi mag-ipon nang mag-ipon at magparami nang magparami ng kabuhayan—maaaring hindi para sa kanya kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay.

Kaya niya bang makitang siya ay may sapat na pera para sa kanyang sarili, pero ang mga mahal niya sa buhay ay wala pa at ang iba pa ay walang-wala talaga?

Kaya masakit tanggapin na ang tao ay dapat na magpayaman. Muli, maaaring hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang mga minamahal.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page