top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tinawag na Vice Tanda at Tikbalang, wala raw 'K' tawaging babae… HIRIT NI BB: VICE, WALANG L

  • Julie Bonifacio
  • Jun 18, 2020
  • 3 min read

Tinawag ni BB Gandanghari ang Unkabogabke Star na si Vice Ganda as Vice Tanda at Vice Tikbalang sa kanyang vlog sa You Tube recently.

Tinalakay ni BB sa kanyang vlog ang pagkukuwestiyon daw ni Vice sa pangalan niya na Gandanghari. Bakit daw hindi Gandangreyna o Poginghari ang idinugtong niya sa name niya na BB.

"Well, uh, what a narrow-minded," simula ni BB with matching feisty look on screen. "Doon mo makikita, eh. Doon mo nakikita na walang laman. Come on....knock-knock. Are you being literal?"

Mas mabuti na raw na ilabas niya ang kanyang nararamdaman kesa kimkimin niya at dalhin hanggang sa kanyang kamatayan.

"BB-nation (tawag niya sa kanyang subscribers sa YouTube), sige na, patulan ko, ha? So, okay. Gusto mong mag-suggest din ako ng pangalan mo (Vice) ngayon?"

May karapatan naman daw siyang mag-react. At sinimulan niyang ungkatin ang edad ni Vice.

"Ilang taon na ba siya? 40 na siya? Tapos, nakita ko 'yung picture niya, grabe!"

Nalaman ni BB na 45 na ang edad ni Vice sa comment section ng kanyang vlog. Pero nag-react muna si BB nang tukuyin as 'she' si Vice sa comment ng netizen.

"She's 45. He, hindi siya 'she.' Huwag nating… see? Kinonpyus niya nang bonggang-bongga, eh. 'Yan ang utang niya sa LGBTQ, sa trans-community, kinonpyus niya ang tao. Hindi siya 'she.' He's 'he,' okay? Uhm, he's 45. Tapos, nagdamit-babae. Tapos, kinonpyus niya. Tapos, 'yung isang tao na nananahimik na talagang nagta-transition, aba, eh, 'yun ang pinalabas sa tao na mali."

Nag-react daw siya para sa trans-community. Tila nagbibigay-pahiwatig si BB na isa na talaga siyang transwoman.

"So, he's 45. Eh, 52 ako. Tinawag niya akong matanda, devah? Aba, eh, para sa akin, any 'ganda' term cannot be... I, BB Gandanghari, therefore, BBnation... but really 'yung any 'ganda, 'yung term na 'ganda' shouldn't be related to him. Kasi, WALANG MAGANDA sa kanya," diin ni BB.

Dinepensahan naman ni BB ang sarili at sinabi na hindi siya nangungutya.

"But really, base sa napanood ko, sa nakikita ko, minus the wig? Baka 'yung may maganda man sa kanya, 'yung wig (ni Vice). Honestly naman, 'yung wig, walang maganda. So, hindi siya si Vice Ganda. From now on, BBnation, we shall call this person... Vice Tanda. Siya si Vice Tanda, okey? Hahaha!"

May nag-suggest naman kay BB ng pangalang Vice Kabayo, pero tinutulan ni BB dahil mahilig daw siya sa kabayo.

"Pinalaki kami ng tatay ko, may mga race horses ang tatay ko, eh. I love horses. I ride horses. So, even that, maybe tikbalang. Maybe tikbalang but never a horse. Vice Tikbalang? Hahaha! Basta, Vice Tikbalang, maybe. Para hindi naman masyadong malayo sa pangalan niya, devah? Para synonym, you know, what I mean, it sounds like, got it?"

Nag-react din si BB sa nag-comment na sa ginagawa niya kay Vice, para na rin siyang nambu-bully.

"Bullying? Who? Binully nga si BB, imagine?"

Sinabi pa ni BB na kahit mas matanda ang edad niya kay Vice, mas mukhang bata siya kesa sa host ng It's Showtime.

"Well, sabi ko nga, if I'm going to talk to him, face-to-face, kung gusto niya akong kausap... walang wig, walang concealer, nothing. Puwede namang powder, whatever, devah," paghahamon ni BB kay Vice.

Pero wala rin daw bastusan, murahan at laitan.

"Hindi ako nagtataray. I'm just telling the truth. I mean, pinakialamn niya ang pangalan ko, eh, di pakialaman ko rin... O, sige, 'lika, patulan ko siya. 'Yan ang sinasabi ko, you don't give unsolicited advice because you don't like it when people do."

Arya pa ni BB sa kanyang vlog, inumpisahan daw kasi siya kaya nagre-react ngayon. At hanggang ngayon din naman daw ay may mga nilalait si Vice.

"Hindi mo alam pero nilait mo ako. Do you think dadalhin ko sa libingan ko 'yun? Mabuti nga 'yung inilabas ko na ngayon."

Dahil sa ginawa raw sa kanya ni Vice, dapat daw ay mag-apologize ang TV host sa kanya.

"Not for anything else, nu'ng ginanito ako at nag-suffer, may narinig ka? No. I suffered alone. The least that you can do, hindi na mag-apologize, magpasalamat. Dahil kung hindi sa pagkakagamit mo sa akin, hindi ka sumikat. Plain and simple. Tapatan," lahad pa ni BB.

Mag-react kaya si Vice sa mga pahayag ni BB laban sa kanya? Kapag ginawa 'yan ni Vice, mabilis na mari-reach ni BB ang kanyang goal na magkaroon ng 100K subscribers sa You Tube.

So far, may 91K subscribers na ang account ni BB sa YouTube.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page