PAOLO, MINURA AT BINANTAANG BUBUGBUGIN ANG BASHER NA NANLAIT SA ANAK NILA NI LJ
- Nitz Miralles
- Jun 18, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Nakatikim ng mura kay Paolo Contis ang basher ng anak nila ni LJ Reyes na si Summer. Kasi naman, ang positive ng post ni LJ sa anak na naglalaro ng bubbles. Ang tanong lang ni LJ ay kung kanino nakuha ni Summer sa kanila ni Paolo ang facial mannerism ng bata?
Sagot ba naman ng basher, “Of course sa 'yo (LJ). Masyadong guwapo si Paolo po, s'yensya na. But Summer didn’t get any of Paolo’s looks, kahit sa skin, 'di pinkish si Summer. Just sayin.'”
Hindi ‘yun nagustuhan ni Paolo at sinagot ang basher nina LJ at Summer, “@antes.julia **na kang hayup ka! Gagawa ka pa ng pekeng account makapang-ul*l lang ng tao! Insult me all you want, but not my family! Magtago ka sa fake account mo pero 'pag nakita kita, 'yang mukha mo, magiging bluish sa pasa, hayop!”
Sa sagot ni Paolo, parang kilala niya ang basher dahil alam na fake ang account nito at sinabihan pang ‘pag nakita niya na ibig sabihin, may chance na magkita sila.
Deleted na sa IG ni LJ ang pamba-bash kay Summer at ang sagot ni Paolo na tama lang na nag-react siya dahil anak na ang kinanti.





Comments