top of page

Palad ng BF na masinop kaya sure makakaipon habang nasa abroad at pakakasalan ang GF

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 18, 2020
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Makapag-a-abroad ba ang boyfriend ko? Bago magka-covid-19 ay nag-a-apply siya bilang factory worker sa Taiwan at natigil lang dahil sa lockdown. Matagal na niyang pangarap na makapag-abroad dahil kapag nakaipon siya ay balak na naming magpaksal.

  2. Matutuloy ba siya at kung makapag-a-abroad ang boyfriend ko, compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan at matutuloy ang balak naming pagpapakasal?

KASAGUTAN

  1. Salamat naman at inilakip mo ang photocopy ng kaliwa at kanang palad ng boyfriend mo sa iyong e-mail. Kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan niyang palad. Ibig sabihin, tiyak ang magaganap dahil makapag-a-abroad ang boyfriend mo at hindi lang basta makapag-aabroad. Dahil nagtataglay siya ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan niyang palad, ito ay malinaw ding tanda na habang nasa ibang bansa, siya rin ay matututo o magiging mahusay sa pag-iipon at pagsisinop ng kabuhayan at dahil dito, mas malamang na matutuloy ang pangarap n’yong magkasintahan, na makaipon ng maraming-maraming pera hanggang sa tuluyan na kayong makapag-pakasal.

  2. Ang pag-aanalisang kayo ang magkakatuluyan ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan ito ay nagsasabing kung sino ang pangmatagalan at seryosong unang nakarelasyon mo, siya na rin ang iyong makakatuluyan at mapapangasawa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Lara, sadyang mapalad ka sa lahat ng babaeng mapalad, sapagkat ayon sa datos n’yong magkasintahan, siguradong siya ay matutuloy sa ibayong-dagat at ito ay nakatakdang maganap sa 2021 sa edad niyang 27 pataas.

  2. Matapos ang humigit-kumulang three to five years niya sa ibayong-dagat sa 2024 at sa edad niyang 29 pataas, tuluyan nang matutupad ang pinaghahandaan at pinapangarap n’yong kasal, na hahantong sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Komentarze


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page