2 empleyado positive sa COVID… DOJ, naka-lockdown
- Madel Moratillo
- Jun 18, 2020
- 1 min read

Isasailalim na sa lockdown ang Department of Justice (DOJ) na nasa Padre Faura St. sa Maynila.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ipinag-utos na niya ang pagpapatupad ng lockdown sa main building ng DOJ, gusali ng National Prosecution Service at annex building ng DOJ na malapit sa Court of Appeals.
Ito ay matapos magpositibo ang tig-iisang empleyado mula sa mga nasabing gusali.
Nabatid na may 3 empleyado ng DOJ ang nagpositibo sa covid-19 matapos isailalim sa confirmatory testing.
Pero kahit naman may lockdown, tuloy pa rin ang trabaho ng mga empleyado ng DOJ kahit nasa bahay lang. Matatapos naman ang lockdown sa Hunyo 29.
Sa kabila nito, bukas pa rin ang frontline office ng DOJ na siyang tumatanggap ng mga dokumento tulad ng affidavits, mga motion at iba pang kahalintulad nito.
Ang mga nakatakda namang preliminary investigation ay ipagpapaliban na muna.





Comments