top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Matalas pa rin daw ang memory… OSANG, PROUD NA 'DI NAAPEKTUHAN NG DROGA ANG UTAK

  • Reggee Bonoan
  • Jun 17, 2020
  • 2 min read

Reggee Bonoan / Sheet Matters

Akala namin ay endorser ng bottled water si Rosanna Roces dahil nag-post siya ng isang brand ng kilalang bote ng tubig.

‘Yun pala, isa-isa niya itong nirerebyu at matagal na raw niya itong ginagawa na tinanong namin kung kailan pa dahil noong 1994 pa lang ay nakasama na namin siya.

“Mula 2015. Pero noong magkasama pa tayo, Absolute na iniinom ko. Nu’ng ipinanganak si Gab (apo niya kina Grace Adriano at Jolo Revilla), Wilkins na dinede niya kaya bumibili rin ako, idino-document ko talaga ang mga binibili ko," kuwento ni Hazel (tawag namin kay Osang).

Biro namin kay Osang, bored ba siya kaya pati mga bottled water ay pinagtripan niyang i-post?

“Wala lang, wala lang akong mai-post, nantokwa!” sabi pa niya.

Sabagay, hindi siya sanay nang walang ginagawa kaya panay ang luto at paglilinis ng bahay. Matagal pa kasi bago sila mag-shoot ng bagong pelikula na kasama siya na produced ng Viva Films.

Pero kinlaro ng aktres na hindi siya bumibili ng mamahaling bottled water at 'pag umabot daw ng P100 ay deadma na siya.

“Kanina nag-SnR kami, bumili ako ng bottled water, nasa sasakyan pa lang, tinitikman ko na ‘yung tubig,” aniya pa.

Edad 48 na si Rosanna at hindi naman lingid sa publiko na minsan ay gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot, pero hindi apektado ang memorya niya dahil kahit tuldok sa script na binabasa niya ay tanda niya.

“Ay, naku, ‘yan ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos,” saad niya.

Tinanong namin kung ano'ng iniinom niyang gamot para tumalas ang memory niya.

“Wala, matalas talaga memorya ko,” sabi ng aktres.

Anyway, namili na si Osang sa online ng mga gagamiting pang-make-up at nakahanda na rin ang mga dadalhin niyang damit para sa 15 days lock-in shooting nila sa Subic, Zambales para sa pelikulang Next Philippine Porn Star kung saan kasama niya sina Alma Moreno, Maui Taylor at Katya Santos mula sa direksiyon ni Daryll Yap.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page