Senado, pasok sa P1.8-b fertIlizer scam
- BRT
- Jun 16, 2020
- 1 min read

Inaasahang babalik muli ang Senado sa pagbusisi sa panibagong fertilizer scam sangkot ang may P1.8 bilyong halagang pantulong sa mga magsasakang apektado ng Covid-19 pandemic. Hiniling ng isang malaking grupo ng mga agricultural stakeholders sa Senado na imbestigahan ang kontratang pinasok ng Department of Agriculture.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, mismong ang mga magsasaka ay nagrereklamo sa DA dahil sa overprice nito kumpara sa average retail price nito na nagkakahalaga ng P850 kada sako.
Ang DA ay naglaan umano ng P5.69 bilyon para sa pagbili ng urea fertilizer na nagkakahalaga ng P1,000 kada sako sa ilalim ng programang Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra Covid-19 (ALPAS sa Covid-19).
Una umanong nag-bid ang DA ng 1.7 milyong sako ng fertilizer na nagkakahalaga ng P995 kada sako na mas mataas pa rin sa umiiral na retail price na P850 per bag.
“We must remember that funds secured for this bidding process came from an emergency fund to help our farmers cope with the impact of the COVID-19 pandemic. We do not want a repeat of another full-blown Senate investigation but all data so far will lead to the conclusion of a new 'fertilizer scam' orchestrated amid the pandemic,” wika ni So.
Ayon pa kay So, kabilang si Sen. Cynthia Villar sa mga nais na maimbestigahan ang nasabing anomalya.





Comments