top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Hunyo 16, 2020 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 16, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 16, 2020 (Martes): Hindi ka maiiwanan sa kahirapan dahil ang taglay mong imahinasyon ay sobra sa sapat para mapabilang ka sa paparaming mayayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka ililigaw ng iyong plano. Ang maaaring magligaw sa iyo ay ang pabagu-bago mong naiisip, kaya manatili ka sa naiplano na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gisingin mo ang iyong sarili na isang imbentor. Sa ganitong paraan, malayo ang iyong mararating at pakikinabangan ng maraming tao ang iyong mga imbensiyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang mga kilos mo dahil makikialam sa iyo ang iyong isipan. Babaguhin nito ang ilang gusto mong gawin at kapag sinunod mo ang isip mo, mas gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white.

CANCER (June 21-July 22) - Mahirap paniwalaan pero isang nakatutuwang katotohanan na ang mga suwerte ay mamamalagi sa tabi mo na kapag kinakailangan mo ay mabilis na magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang napakarami mong iniisip. Hindi ito maganda dahil ang susi ng tagumpay ay nasa pagtutok sa iisang layunin lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon magsisimula ang pagtahak mo sa landas ng buhay kung saan marami kang matutulungan. Ito ay mangyayari dahil ang mga biyaya at pagpapala ay aagos sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mananatili kang masaya at parang hindi naaapektuhan ng problema ng iba. Gayunman, sa biglang tingin ay may pakaialam ka sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang bago, ito ang magdadala sa iyo ng magagandang kapalaran kaya dapat mong malaman na ngayon ang panahon ng pagkakaroon ng mga bagong bagay at kagamitan. Masuwerteng kulay-beige.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manghiram ka ng magagandang ideya at isama mo sa iyong magaganda ring ideya. Ang kumbinasyon ng mga ito ay magbibigay sa iyo ng nakagugulat na yaman. Masuwerteng kulay-blue.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito, kung ano lang ang nahahawakan mo, ‘yun ang sa iyo. Ang mga paparating pa lang ay huwag mo munang ibilang sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasayahin mo ang makakasama mo. Kung ikaw ay nasa bahay, pasayahin mo ang mga nasa bahay. Ito ang susi para sa iyo kung saan magbubukas ang iyong pintuan ng grasya na nasa langit. Masuwerteng kulay-violet.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtanim ka ng kabutihan sa kapwa. Ang nakagugulat na aanihin mo ay ang katuparan ng iyong mga kahilingan sa langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page