top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

26,420 positibo sa COVID-19

  • Madel Moratillo
  • Jun 16, 2020
  • 1 min read

Umakyat na sa 26,420 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 490 na karagdagan pang kaso.

Sa mga bagong bilang na ito ay 348 ang fresh cases habang 142 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 131 ang mula sa National Capital Region, 79 sa Region 7, ang 138 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Sa mga late cases naman, ang 21 ay mula sa NCR, 5 mula sa Region 7 at 116 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May naitala namang 298 na nakarekober mula sa sakit. Dahil dito umakyat na sa 6,252 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

May 10 namang naitalang nasawi dahil sa covid-19. Sa ngayon, umabot na sa 1,098 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa nasabing sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page