Wa' paki sa pagiging aktibista… JANINE, NEGA, TAGILID ANG CAREER
- Erlinda Rapadas
- Jun 15, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Maraming millennial ang humahanga at saludo sa guts ni Janine Gutierrez na open na open sa kanyang pagbo-voice-out ng kanyang mga paniniwala sa mga napapanahong isyu ngayon sa lipunan.
Noong June 12 na Independence Day ay nakilahok siya sa isinagawang mañanita ng ilang estudyante sa UP. Marami ang natuwa sa ginawang ito ng anak ni Lotlot de Leon. Kahit na sinasabing artista siya ay mulat na mulat siya kung ano ang dapat na ipinaglalaban ngayon.
Pero, may ilang bashers naman ang pinupuna ang ipinakikitang tapang ni Janine at baka raw makaapekto ito sa kanyang career at mga product endorsements. Baka mabansagan din siya na aktibista at mag-iwan sa kanya ng negatibong imahe.
May paraan naman na hindi nakaka-offend sa mga nagpapalakad ng gobyerno. At hanggang ngayon, hindi pa rin malilimutan ng mga supporters ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang kanyang komento tungkol sa pagbabalik-showbiz ng aktor-pulitiko.





Comments