top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mister dedo, misis sugatan sa lolo

  • BRT​
  • Jun 15, 2020
  • 1 min read

South Cotabato—Isang mister ang namatay at sugatan naman ang misis nito nang saksakin sila ng 71-anyos na lolo kamakalawa sa Bgy. Cannery Site, Polomolok.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Joeven Versoza, 26-anyos, samantalang ang misis nitong sugatan ay si Mary Rose, 26-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang kainuman ni Joeven ang suspek na si Benedicto Cabili ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaya pinagsasaksak ng salarin ang nasawing biktima.

Nabatid na inawat ni Mary Rose si Cabili, pero sinaksak din nito ang ginang na tinamaan sa kamay.

Napag-alamang nagtangka pang tumakas si si Cabili, pero mabilis siyang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page