Comedy Queen, sapul ang negosyong tinapay… AI AI, PUMALAG NA ITA-TAX ANG MGA ONLINE SELLERS
- Nitz Miralles
- Jun 15, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Kabilang si Ai Ai delas Alas sa mga umaray sa panukalang i-tax ang online sellers dahil mula nang malagay sa quarantine ang bansa, nagbe-bake na ng iba’t ibang klase ng breads si Ai Ai na kanyang ibinebenta. Katulong niya sa bread business ang asawa, mga anak at manugang.
Kaya nang magsalita si Senator Joel Villanueva para ipagtanggol ang mga online sellers, ipinost ni Ai Ai ang photo nito sa Instagram bilang pasasalamat.
“Para po sa aming mga maliliit na online sellers, sa panahon ng covid, ginagawa namin ‘to kasama ng mga iba nating kababayan na wala namang ayuda at walang trabaho to survive sa pang-araw-araw ng buhay... 'wag n'yo na sanang isipan na i-tax... salamat po...”
Nabanggit na ni Ai Ai noong una pa man na wala silang natanggap na ayuda mula sa gobyerno, kaya naisip na pasukin ang bread business at isinilang ang Martina’s Breads & Pastries.
In fairness, mabili ang mga tinapay na gawa ni Ai Ai at nadaragdagan ang klase ng tinapay na kanilang ginagawa.





Comments