top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

OFWs na nawalan ng kayod, dapat ding matutukan

  • Editoryal
  • Jun 14, 2020
  • 1 min read

Apektado rin ang maraming overseas Filipino workers (OFWs) sa COVID-19 pandemic.

Kabilang sa kanila ang mahigit 200 seafarers na nakauwi na ng bansa matapos ma-stranded nang dalawa hanggang tatlong buwan sa mga barko sa Europa.

Masaya sila dahil nakaligtas sa nakamamatay na virus at muling nakasama ang kani-kanilang pamilya subalit, may takot na baka hindi agad makabalik sa mga trabaho.

Marami sa kanila ang nagtatrabaho sa malayo para matustusan ang mga pangangailan ng pamilya, mula sa pagkain sa araw-araw, edukasyon ng mga anak hanggang sa pangarap na bahay o negosyo na magiging daan upang hindi na nila kailanganin pang mangibang bansa.

Subalit, dahil sa sitwasyon, narito sila at naghihintay ng pagkakataon na muling makapagtrabaho. Mapalad ang mga nakaipon o may kabuhayan habang wala sa barko pero, silang mga halos nag-uumpisa pa lang at ‘ika nga, kalalabas lang ng ‘puhunan’, sila ang kawawa.

Kaya dagdag ito sa hamon sa gobyerno, ang mabigyan din ng sapat na ayuda ang mga OFWs.

Tulad ng mga manggagawa dito sa bansa, sila rin ay may ambag sa ating ekonomiya. Mula sa kanilang pagsisikap, napag-aaral ang kanilang mga anak na sa hinaharap ay sila namang magtataguyod sa ating bayan.

Kumbaga, sa ganitong pagkakataon, lahat ay apektado at may karapatang magpasaklolo lalo na sa ating gobyerno.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page