Nagde-deliver ng droga… Lalamove rider patay sa pulis
- Janice Baricuatro
- Jun 14, 2020
- 1 min read

Patay matapos makipagbarilan sa kapulisan ang isang Lalamove rider na nakipag-deal sa nagpanggap na buyer ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Bgy. Bacao Gen Trias, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Bobby C Barron, Lalamove delivery rider,
residente ng Bgy. Niog-1, Bacoor City.
Sa nakalap na ulat mula kay Police Captain Hilario Lacaste, Jr. ng Drug Enforcement Unit ng Gen Trias, alas-11:30 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng suspek at grupo ng pulisya kasama ang ilang miyembro ng PDEA.
Nabatid na nag-order via Lalamove ang isang nagpanggap na kustomer. Halagang P6,000 o 10 grams ng shabu ang sinubukan nitong orderin at nang kumagat ay dito na inilatag ang buy-bust.
Nagmula pa sa Bacoor ang suspek at sa Bgy. Bacao ang napagkasunduang meet-up ng mga ito, nang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo agad na lumapit ang nagpanggap kustomer at nang magkaabutan na, dito na ito nagpakilalang pulis.
Gayinman, sa halip na sumuko ay humarurot patakas ang suspek dahilan upang magkaroon ng habulan at nauwi sa engkuwentro na ikinamatay nito.
Narekober sa lugar ng insidente at sa suspek ang baril, mga bala, bag na may 19 piraso ng tig-one thousand peso bill , 6 na selyadong plastic sachet na may lamang shabu na may timbang na mahigit kumulang sa 30 grams at may halagang P200,000.
Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamatyagan ang suspek na ginagamit ang pagiging delivery rider sa pagbebenta ng shabu.





Comments