MARIEL, ITLOG LANG ANG NILULUTO NOON, MAY COOKING SHOW NA NGAYON
- Reggee Bonoan
- Jun 14, 2020
- 2 min read
Reggee Bonoan / Sheet Matters

Para may pagkakitaan kahit nasa bahay lang nila ay naisip ni Mariel Rodriguez-Padilla na maglutu-luto na tinawag niyang "Cooking Ina" na kinukunan niya ng video at saka ipino-post sa Facebook Live account niya.
Dati ay real-talk nila ng asawang si Robin Padilla at anak na si Isabella ang naka-post sa kanyang vlog na humahabig ng maraming views hanggang sa naisip na rin ng TV host na idagdag ang mga nalalaman niya sa pagluluto.
Nitong Miyerkules ay nagpagawa na siya kay Robin ng logo niya ng "Cooking Ina" katuwang ang lolo niya at saka sinabayan ng pagluluto.
“Mga Cooking Ina, THANK YOU! Thank you for watching today’s Facebook Live Cooking Ina Show with Mommy Mariel Padilla. I had so much fun sharing my OA version of Sushi Baked. Salamat salamat!
“Also big, big thanks to those who helped make our Cooking Ina set possible @robinhoodpadilla isang sabi ko lang na ‘Babe, I want to put plates on the wall’ stop lahat ng ibang projects at ginawa ang kitchen ko.
“To lolo @rafaelsazon for the water line. @tablescape.ph for my plates. My digital team @vcmthecelebritysource for the logo, and of course, to those who make our merienda session their 3 PM Wednesday habit, maraming-maraming salamat!!! Excited akong makita ang OA sushi bake n'yo. THANK YOUUUUU.”
Minessage namin si Mariel na marami na siyang alam lutuin lalo na ang Spanish bread at pandesal na paborito ng asawa.
“Yes Reg! Lambot niya na, ang sarap! Imagine, nu’ng nakilala mo ako, scrambled egg lang alam kong gawin, ha ha ha!” masayang sagot ng wifey ni Robin.
Oo naman, dalaga, anak-mayaman at spoiled pa sa lolo’t lola si Mariel na walang ginawa kundi mag-shopping ng branded bags, damit at shoes noon, pero nabago lahat nang mag-asawa’t nagkaanak at lalo na ngayong naranasan nila ang quarantine.
Hindi na namimili ng mamahaling gamit si Mariel, natuto na siya sa asawa ng simpleng buhay lang at kung may sobra ay ipinantutulong ito sa mga nangangailangan tulad nu’ng ECQ na maraming health workers/frontliners silang napadalhan ng pagkain araw-araw.





Comments