top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaalaman tungkol sa Carpal Tunnel Syndrome

  • Shane Ludovice
  • Jun 14, 2020
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Madalas sumakit ang aking mga daliri lalo na sa may gitna ng aking pulso. May nakapagsabi sa akin na sintomas ito ng Carpal Tunnel Syndrome at posible raw itong maoperahan. Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa Carpal Tunnel Syndrome? Ano ‘yung tawag nila na karpal tunnel syndrome? – Elsie

Sagot

Ang Carpal Tunnel Syndrome ay sanhi ng naiipit na “median nerve” o isang ugat sa gitna ng pulso o “wrist”. Nakararamdam ng pamamanhid ang palad at ang mga daliring hinlalaki, hintuturo, hinlalato at kalahati ng palasingsingan.

Maaaring numipis ang muscle sa palad at mga daliring ito at maging sanhi ng pagkasakit at paghina ng mga daliri at mga kamay.

Ano ang sanhi?

Maaari itong dahil sa pang-araw-araw na gawain (overuse), biglang pagtaba, pagbuntis, dating bali ng buto na malapit sa pulso, mga sakit sa ibang katawan tulad ng sa thyroid, kidneys o sumasama rin sa ibang uri ng rayuma.

Ano ang mga puwedeng gawin?

  • Iwasan ang sobrang pagtiklop ng wrist sa pamamagitan ng paggamit ng “splint” lalo na sa gabi kapag natutulog

  • Carpal tunnel exercises

  • Maaari kayong resetahan ng pantagal ng sakit/pamamaga (NSAIDs) o gamot para sa “nerve pain” tulad ng gabapentin o pregabalin

  • Maaaring turukan ng kaunting steroid para mas mabilis ang paghupa ng maga at sakit (hindi magandang gawin mahigit sa 3x/taon)

  • Maaaring operahan para paluwagin ang carpal tunnel at hindi na maipit ang ugat

Maipapayong magpatingin sa doktor tulad ng rheumatologists, rehab medicine o orthopedic surgeons kung may mga ganitong sintomas upang ma-diagnose at mabigyan ng tamang gamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page