Alam na this! LUIS, IBINUKING NI JESSY NA TAGAUBOS NG FOOD SA REF NIYA
- Julie Bonifacio
- Jun 14, 2020
- 1 min read

Curious naman ang mga netizens na malaman kung ano ang mga kinakain ni Jessy Mendiola na dahilan ng maganda niyang kurbada at pa-abs sa kanyang tiyan ngayon.
Kami man ay nagulat sa katawan ni Jessy when she posted a picture na naka-black bra lang at litaw ang tiyan sa kanyang Instagram account na may account name na senorita_jessy.
"Today sa aking newest vlog, ipapakita ko sa inyo kung ano ang aking meals para ma-achieve ko ang ideal weight ko! (the struggle is real lol)," caption ni Jessy.
Marami raw kasi ang nagtatanong sa kanya through comments and messages sa kanyang social media account kung ano raw ang kinakain niya para maging healthy.
May ilang tao rin na curious namang malaman kung ano ang laman ng refrigerator niya. Kaya ang ginawa ni Jessy ay gumawa ng vlog about healthy food alternatives to help keep our body healthy and strong, especially during quarantine.
Sa comment section ay nag-post ang boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano na siya lang naman daw ang umuubos ng laman ng ref ni Jessy. Sinang-ayunan naman ito ni Jessy, "Totoo naman din."
Bigla namang umikot ang malikhaing (o malisyosa???) pag-iisip ng mga netizens sa comment ni Luis. Mabuti na lang at may nag-comment na follower and personal friend din siguro nina Luis at Jessy na ganito ang nakasaad, "HAHA, balita ko inuwi mo ang sausage!!"
Dahil sa salitang "iniuwi", ibig sabihin, 'di nag-i-stay sa bahay ni Jessy si Luis.
Gets n'yo?





Comments