top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

POGO raw ang unahin... JENNYLYN, PUMALAG SA HIRIT NG BIR NA I-TAX ANG MGA ONLINE SELLERS

  • Reggee Bonoan
  • Jun 13, 2020
  • 2 min read

Reggee Bonoan / Sheet Matters

Isa si Jennylyn Mercado sa mga sumusuporta sa mga online sellers na umaaray dahil sa plano ng BIR na papatawan sila ng tax.

Lalo kasing dumami ang online sellers sa panahon ng COVID-19 pandemic para may pantawid-gutom dahil no work, no pay nga at ‘yung iba ay tuluyan nang hindi nakabalik sa kanilang mga trabaho dahil nagsara o tinanggal na sila.

May ilang government officials ang hindi pabor dito dahil maliit lang ang kinikita ng mga online sellers kumpara sa tax ng POGO na umabot sa P50 bilyones.

Ayon kay Jennylyn ay nakaramdam siya ng pagkalungkot para sa mga online sellers.

Aniya, “Nakakalungkot na pati pa pala online sellers, ita-tax na ng BIR. Kungdi ka naman kasama sa tax bracket, kakailanganin pa ring kumuha ng mayor’s permit at mag-register sa DTI na gastos din.

“Kawawa naman ang mga Pilipinong madiskarte na gumawa ng paraan para kumita ngayong madaming nawalan ng trabaho at nagsaradong businesses.

“Sa mga lumabas na articles online, baka naman puwedeng mas unahin muling i-tax ang POGO at hanapin ang mga illegal na POGO na hindi nagbabayad ng buwis. Baka puwedeng iba muna ang kuhanan ng pondo ng BIR.

"Huwag naman muna sana ang mga Pinoy na nakahanap ng paraan upang kumita ngayong pandemya. Kaya magtulungan tayo. Always remember to support local!" pakiusap pa ni Jennylyn.

“Nakakatuwang magbasa ng comments. May mga nagdi-disagree sa isa’t isa pero ang ganda na nagpapalitan tayo ng impormasyon tungkol dito nang maayos at may respeto. Madami akong natutunan sa mga posts ninyo. Thank u.” sabi ni Jen.

Kasunod nito ay ipinost din ng aktres ang ilang links ng BIR kung paano magparehistro.

For more information visit:

https://www.bir.gov.ph/ (to register) https://www.google.com.ph/…/how-many-pogos-have-unpaid-…/amp (article 1 month old) https://www.google.com.ph/…/bir-tells-online-sellers-to…/amp (recent) https://www.businessnews.com.ph/how-to-register-your-onlin…/ (recent) https://www.google.com.ph/…/taxmen-turn-online-sellers…/amp/ (recent)

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page