PNP, aminadong malaking panira ang “mañanita” ni Gen. Sinas sa institusyon, pero ayaw namang sibakin
- Pabs Hernandez III
- Jun 13, 2020
- 2 min read
“MAÑANITA” NI GEN. SINAS, NAKASIRA NA SA IMAHE NG PNP — Inamin ni PNP Spokesman Gen. Bernard Banac na ang kontrobersiya sa “mañanita” ni Gen. Sinas ay nakaapekto sa performance ng PNP.
Isa lang ang solusyon upang muling bumango ang imahe ng PNP, at ito ay i-request nina DILG Sec. Eduardo Año ay PNP Chief Gen. Archie Gamboa na sibakin na sa NCRPO si Gen. Sinas, boom!
◘◘◘
MAÑANITA RALLY AT MAÑANITA BIRTHDAY — Temang “mañanita” na hango sa kontrobersiyal na birthday party ni NCRPO Director Gen. Debold Sinas ang ginawang “front” ng mga raliyista sa ginawa nilang protesta laban sa “Anti-Terror” Bill ng gobyernong Duterte.
Kaya “mañanita” ang ginawang bansag ng mga raliyista sa kanilng protesta ay para ipamukha sa mga pulis na hindi sila dapat dakpin dahil ito ang naging palusot ni Gen. Sinas nang lumabag ito sa mass gathering na kesyo nag-mañanita lang daw sila sa kanyang birthday party kaya hindi ito sinibak ni P-Duterte.
Dahil d’yan, asahan na ni Gen. Sinas na ang katagang manyanita ay nakatatak na sa kanyang pagkatao, period!
◘◘◘
MAY KAKULITAN DIN SI DEPED SEC. BRIONES — Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, pakikiusapan niya si Pangulong Rodrigo Dutere na magdaos ng “face-to-face classes” sa mga probinsya, lungsod at munisipalidad na walang kaso ng COVID-19.
May kakulitan din pala itong si DepEd Sec. Briones, ano? Sinabi na nga ng Pangulo na hindi niya papayagan ang face-to-face classes para makaiwas sa virus ang mga mag-aaral, eh, pagpipilitan pa niya, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
DAPAT KUWESTYUNIN NI SEC. AÑO KUNG BAKIT MAY LIMANG BODYGUARDS NA PULIS SI MAYOR ZAMORA — Kung hindi pa nagalit si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa paglabag sa health protocols sa kanilang lungsod ang grupo ni San Juan City Mayor Francis Zamora ay hindi pa malalaman ng publiko na limang pulis pala ang kanyang bodyguards.
May alituntunin ang PNP na dalawang pulis lang ang puwedeng maging bodyguards ng mga mayor para ang ibang pulis ay makapag-“serve and protect” sa publiko.
Sa isyung ito, dapat kuwestiyunin ni DILG Sec. Año si PNP Chief Gen. Gamboa kung bakit hinahayaan nitong magkaroon ng limang bodyguards na pulis ang isang alkalde na tulad ni Mayor Zamora, period!





Comments