Most wanted criminal, tiklo
- BRT
- Jun 13, 2020
- 1 min read
CAGAYAN — Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Maura, Aparri.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Danny Alariao, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Alariao sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Alariao kaya agad nagresponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.





Comments