top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DINGDONG, NAGTAYO NG NEGOSYO PARA SA MGA TAGA-SHOWBIZ NA NAWALAN NG TRABAHO

  • Nitz Miralles
  • Jun 13, 2020
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

May bagong business na bubuksan si Dingdong Dantes at ang mga kaibigan niyang sina Sid Maderazo, Ranvel Rufino at Mark Gorriceta, isang delivery app o delivery service na tatawaging Dingdong PH at may hashtag na #YouRingitWeBringIt.

May plugging na sa Instagram accounts ni Marian Rivera at friends ni Dingdong, hintayin na lang natin kung kailan ito magiging operational.

Ang maganda sa bubuksang negosyo ni Dingdong, ang kukunin niyang bubuo sa workforce o riders ay mga taga-showbiz na nawalan ng trabaho. By now, tumatanggap na siguro sina Dingdong ng applicants para rito.

Sa isang interview, naikuwento ni Dingdong na nagka-idea siya for the app nang magkaproblema si Marian sa pagpapa-deliver ng mga flowers na in-order sa kanyang Flora Vida by Marian business.

“Doon nagsimula ‘yung idea, at lumawak na lang siya. In the past weeks, after talking with friends who share the same vision and passion, an idea was developed, hence the birth of Doorbell Technologies,” sabi ni Dingdong.

Samantala, may mahabang post si Dingdong tungkol sa Anti-Terrorism Bill na nasa IG niya. Ang ganda ng punto ni Dingdong sa kanyang post, hindi siya kontra sa Anti-Terrorism Bill, ang sinabi nito, importante ang proper consultation at sad to say, ang ilang artista na katulad niya ay hindi nakonsulta tungkol dito.

"Artists are actually vital storytellers of our nation’s past, present and future. We help bring people together; we help Filipinos stand as one nation as we have always done in the past and are continuing to do during the current pandemic,” aniya.

May part pa sa post ni Dingdong na ang sabi, “Kung hindi na natin makukumbinse ang Pangulo na i-veto ang Anti-Terror Bill, nananawagan kaming magkaroon ng representasyon at partisipasyon sa paggawa ng implementing rules and regulations ng Anti-Terror Law. Umaasa kaming mga aktor na maririnig at pakikinggan ang aming boses. I too hope that we can still find a way to create an ideal Anti-Terror Law that respects Filipino’s constitutional rights and limitations within an environment of public trust and confidence.”

Ang tanong, pakinggan kaya ng mga nasa likod ng Anti-Terror Bill ang panawagang ito ni Dingdong at ng mga taga-entertainment industry?

Still on Dingdong, simula bukas, mas maaga nang mapapanood ang Amazing Earth dahil airing na ito ng 5:25 PM bago mag-24-Oras. Sa episode bukas, makakasama ni Dingdong si Shaira Diaz at ang viral chef na si Jam Melchor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page