top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wala raw silang pinag-uusapang ganu'n ni Bob Arum... SEN. MANNY, TODO-DENY NA TATAKBONG PANGULO

  • Erlinda Rapadas
  • Jun 12, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Naging usap-usapan sa lahat ng sulok ng sports at showbiz world ang pasabog ng dating promoter ni Boxing Champ Manny Pacquiao na si Bob Arum na tatakbo ang senador bilang pangulo sa darating na 2022 elections.

Dagdag pang chika, sila ni Sen. Bong Go ang magiging mahigpit na magkalaban sa presidential post, kaya pareho silang masipag ngayon sa pagtulong sa mga taong apektado ng COVID-19. Panay-panay ang pagdo-donate nila ng medical kits, PPEs atbp. sa mga health workers at frontliners.

Agad-agad na pinabulaanan ng People's Champ ang mainit na balitang may balak siyang tumakbong pangulo sa 2022. Wala raw silang napag-uusapang ganu'n ni Bob Arum. Hindi pulitika kundi ang susunod niyang laban ang kanilang topic kapag nagkikita.

Naudlot ang nakaplano sana niyang laban sa July dahil sa COVID pandemic. Kinapos sa panahon ng training. May isinusulong si Bob Arum na laban ni Pacman kay WBO Welterweight Champion Terence Crawford na gagawin sa Bahrain. May iba pang boxers na pinagpipilian upang makalaban ni Pacquiao.

Panay-panay ang training at pagpapakondisyon ngayon ng katawan ni Sen. Manny Pacquiao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page