top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Barya-baryang kinikita ng mga online seller, pinag-iinitan pero ang bilyones na utang sa tax ng POGO

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 12, 2020
  • 2 min read

BILYONES NA UTANG SA TAX NG MGA POGO ANG HABULIN, HUWAG ANG PABARYA-BARYANG KINIKITA NG MGA ONLINE SELLERS — Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, hindi dapat ang mga online sellers ang pinag-iinitan ng gobyerno na singilin ng tax, kundi ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pagmamay-ari ng Chinese.

Korek! Halos barya lang ang kinikita ng mga online sellers, tapos papatawan pa sila ng tax?

Samatalang ‘yung bilyun-bilyong pagkakautang sa buwis ng mga POGO, dedma lang ang Duterte gov’t.?! Pwe!

◘◘◘

PANTAWID-GUTOM NA KINIKITA NG MGA ONLINE SELLERS, PAPATAWAN NG BUWIS NG GOBYERNO — Nang i-lockdown ni P-Duterte ang buong Luzon at ilang kalapit na lugar dahil sa krisis na dulot ng COVID-19, maraming kababayan natin ang nawalan ng trabaho at para hindi magutom, marami pumasok sa online selling o pagbebenta ng kanilang mga munting produkto sa social media.

Pero ang masaklap, kumilos ngayon ang BIR upang singilin ng tax ang mga online sellers, na ang sinuman daw na hindi tatalima ay papatawan ng penalty at kakasuhan.

Ang lupit naman! Pantawid-gutom na nga lang ang kinikita ng mga online sellers, eh, papatawan pa ng tax ng gobyerno?! Buwisit!

◘◘◘

NAG-MANYANITA RIN KAYA SA BAGUIO CITY ANG GRUPO NI MAYOR ZAMORA? — Ayon DILG Sec. Eduardo Año, wala silang planong kasuhan kaugnay sa paglabag sa health protocols si San Juan City Mayor Francis Zamora nang magtungo ito sa Baguio City, kasama ang kanyang misis at limang police escorts at lampasan ang mga checkpoints sa lungsod.

Baka ang idinahilan ni Mayor Zamora kaya hindi siya kinasuhan ng DILG ay “nag-manyanita” lang sila sa Baguio City, tulad ng idinahilan noon ni NCRPO Director/Gen. Debold Sinas na nag-manyanita lang sila sa kanyang birthday party kaya hindi siya nasibak sa NCRPO, boom!

◘◘◘

KAPAG HINULI ANG MGA MAGMA-MANYANITANG RALIYISTA, LALABAS NA SI GEN. SINAS LANG ANG MAY “K” MAG-MANYANITA — Ngayong Araw ng Kalayaan ay temang “manyanita” ang protestang gagawin ng mga kababayang magpo-protesta laban sa “Anti-Terror” Bill.

Malinaw ‘yan, protestang “manyanita” gagawin ng mga magra-rally, kaya kapag sila ay inaresto sila ng kapulisan, isa lang ang ibig sabihin niyan, si Gen. Sinas lang ang may “K” mag-manyanita, toink!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page