Agimat, epektib pa rin daw talaga... PADIR NI SEN. BONG, 'DI NA KAILANGANG OPERAHAN SA PUSO
- Vinia Vivar
- Jun 12, 2020
- 1 min read

Sa kabutihang palad, hindi na kailangang sumailalim pa ng ama ni Sen. Bong Revilla, Jr. na si Mang Ramon Revilla, Sr. sa angioplasty operation dahil wala raw nakitang anumang problema sa puso nito.
Sa bagong update niya sa kanyang Facebook account, ibinalita ni Sen. Bong na sumailalim na sa angiogram procedure si Mang Ramon at hindi na kakailanganin pang operahan.
“Katatapos lang po ng angiogram ni Daddy and the results were unremarkable!” bungad ng caption ni Sen. Bong.
“Thank God his heart is okay at walang anumang nakita na problema. He will not need an angioplasty.
“At baka puwede na rin daw siya tanggalin sa ventilator soon if he continues his progress at walang maging ibang problema moving forward.
“Salamat po sa inyong mga panalangin! Patuloy po natin siyang ipagdasal so that God's healing hands continue to bless him.
"Thank you. Thank you. Thank you,” pahayag pa ng aktor-pulitiko.
Sa video na in-upload ni Sen. Bong ay makikita na nag-thumbs-up pa si Mang Ramon bago ito sumailalim sa procedure.
Kami man ay natuwa nang malaman namin ito. Tama nga ang sabi ni Sen. Bong na talagang gumagana pa ang agimat ng kanyang ama.





Comments