10 yrs. old, positive sa COVID-19
- Janice Baricuatro
- Jun 12, 2020
- 1 min read

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lungsod ng Dasmariñas kung saan isang 10-anyos na batang lalaki ang nagpositibo sa nasabing sakit.
Ayon sa Facebook page ni Congressman Pidi Barzaga, ang pasyente ay kinilalang si Patient #71, mula sa Greenfield Heights, Sampaloc 2.
Galing ito ng Dubai at umuwi sa Pilipinas noong May 30. Nang isalang sa swab test, lumabas na positive ito sa PCR test noong June 2.
Ang pasyente ay isang asymptomatic at kasalukuyan ngayong nasa City of Dasmariñas Isolation Facility.
Sa kabuuang bilang, umakyat na sa 71 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dasmariñas kung saan 21 ang active cases, 41 ang gumaling na at 9 naman ang nasawi.





Comments