top of page

Selebrasyon ng araw ng kalayaan sa Luneta, tuloy — M’cañang

  • Mylene Alfonso
  • Jun 11, 2020
  • 1 min read

Posibleng may gawing aktibidad si Pangulong Rodrigo Duterte para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan bukas, Hunyo 12.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang sampung bisita lang sa naturang seremonya.

Habang tuloy naman ang tradisyunal na Independence Day celebration sa Luneta Park sa Maynila pero ang mga bisita ay magiging limitado rin.

"Pasensiya na kayo natawa ako. Kasi nga sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa COVID, sampu lang iyong nandoon sa Luneta ‘no. Pero ewan ko po kung isa doon sa sampu ay si Presidente. Pero ang alam ko po ay may possibility rin po na baka naman may gawin po sa Davao ang ating Presidente kasi limitado rin sa sampu," ayon kay Roque sa isang panayam.

Dahil wala aniyang special permit maaaring maging palabunutan na lamang ang mga opisyal na dadalo sa nabanggit na seremonya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page