Pinky, kinampihan, minura tuloy siya ng sh*t ng co-actress… VIVIAN KAY JACLYN: F*CK YOU!
- Beth Gelena
- Jun 11, 2020
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Pinuna ni Jaclyn Jose ang paninigaw at pagmumura umano ng stage actress na si Pinky Amador sa staff ng isang hotel sa Makati na nangyari kamakailan.
Kinampihan naman ni Vivian Velez si Pinky kung saan ipinost niya sa kanyang Facebook account ang kuhang video ng pangyayari.
Ani Vivian: “Pinky was pushed to the wall and then recorded her reaction. This Palace management should be sued. Walang kalaban-laban ang mga tenants.”
Sinagot ni Jaclyn ang kapwa-aktres. Aniya, "Talaga? Nakita n'yo rage? Of what?"
Ayon pa sa beteranang aktres, "May pamilya 'yung tao, may anak, asawa, kamag-anak… ano gusto n'yong sabihin sa kanila? Napakalupit n'yo.. Ano tayo sa kabila ng gutom at pandemya? Wala kayong ipinagkaiba sa mga Hudyo.
“Hinahangaan kita, Ms. Velez, but not this time, you little piece of sh*t!”
Walang tigil si Jaclyn sa pagsasalita. Ang dami niyang posts sa social media na lahat ay patungkol kay Vivian.
Sinabihan din ng ina ni Andi Eigenmann ang beteranang aktres na ngayon ay general director ng Film Academy of the Phils. (FAP) ng “You are discriminating our low-class citizen. You racist… think?! About your children.”
Para kay Jaclyn, may karapatan daw na mag-record 'yung staff ng hotel kasi nagmumura na at nagsasalita nang masasakit si Pinky. Siya man daw ang nasa kalagayan ng staff ay hindi niya kayang tanggapin.
Maging ang guard nga raw ay sinabihan ni Pinky ng "put*ng ina" at "sasapakin kita."
Post naman ni Vivian, “Ganito ang ginagawa ng mga hackers… this is not Jaclyn Jose.”
“Jaclyn Jose or sino ka man… you are a f*cking hacker.”
Kilala raw niya ang totoong Jane (Jaclyn). May number daw siya nito.
"And if s'ya 'yun, tinawagan niya na ako," sabi pa ni Vivian na hindi makapaniwalang si Jaclyn ang namba-bash sa kanya.
“But just the same, those Makati Palace management should be sued. And to this Jaclyn Jose hacker or not, f*ck you too,” post pa ng former Miss Body Beautiful.
Ayon pa kay Vivian, kahit sino ay puwedeng mag-voice-out ng kanilang mga opinion sa kanyang wall, "But you cannot call me a piece of sh*t because I am not… assh*les like this one need a ‘Pinky.’"
Taray, 'di ba?





Comments