top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wa' raw 'K' magsalita tungkol sa mga issues sa bansa… NETIZEN KAY JENNYLYN: SHUT UP, ART

  • Vinia Vivar
  • Jun 10, 2020
  • 3 min read

Hindi nakapagpigil si Jennylyn Mercado at sinagot ang basher na nagsabing wala siyang karapatan na mag-post ng opinyon sa nangyayari ngayon dahil isa lang siyang artista.

Eksaktong komento ng basher na ipinost ni Jen ang screenshot sa kanyang Facebook fan account, “Hi Jen. Sa totoo lang, wala kang karapatan na mag-post ng opinyon mo sa nangyayari. Hello, wala kang alam. Artista ka lang. Umarte o kumanta ka nilang (read: na lang)…”

Mahaba pero magalang itong sinagot ni Jen.

“Good morning... Wala namang pinipiling panahon, lugar, at tao ang magsalita at magbigay ng opinyon.

“Ano pong meron sa 'kin at wala akong karapatan na gawin 'yun? Hindi po porke't artista ay wala na kaming kalayaan upang i-express ang sarili at gamitin ang aming plataporma para magbigay at mamahagi ng impormasyon.

“Ang limitasyon lamang du'n ay siguraduhing credible ang ating ipinapamahaging balita at may laman o sense ang ating mga ipino-post.

“Maganda po na lahat tayo ay nakikipagtalakayan sa isa’t isa para mas lalo tayong magkaroon ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating bansa.

"Pero sana, sa mga diskusyon ay nandu'n ang respeto sa isa’t isa kahit iba ang ating mga opinyon o paniniwala,” pahayag ng Kapuso Ultimate Star.

Nakiusap ang aktres na sana ay tigilan na ang paggamit ng masasakit na salita at mga personal na atake.

“Sana, itigil na ng iba (na) gumamit ng masasakit na salita at personal na atakihin ang pagkatao ng mga nakakasalamuha rito sa social media. Hindi tayo pinalaki ng ating mga magulang na mang-away o hindi rumespeto ng kapwa.

“Lahat po tayo ay pantay-pantay. Mga tao na sumusunod sa batas at binibigyan ng karapatan nito ng Malayang Pananalita (Freedom of Speech) upang maipamahagi ang mga natututunan at naoobserbahan.

“I don’t hinder or stop you from sharing your opinion, so don’t tell me to stop from giving mine,” aniya.

Ayon pa kay Jen, ikinalulungkot niya na ganito kababa ang tingin ng ibang tao sa kanilang mga artista.

“Pasens'ya na po. Pero nakakalungkot na ang baba ng tingin ninyo sa mga artista at mga tao na hindi parehas ang paniniwala sa inyo.

“Tao po kami, nag-iisip, nakakaramdam, at nagmamahal katulad ninyo. Ang dami nang negatibo na nangyayari sa mundo, huwag po sana tayong dumagdag dito,” pagtatapos ng aktres.

Sa comments section ay may kumuwestiyon kung totoong account ba ito ni Jen dahil hindi naman daw ganito kalalim magsalita ang aktres at hindi raw ito pumapatol sa mga issues.

Sagot ni Jen, “Huwag mo naman maliitin ang kakayahan kong mag-compose ng post. Kahit paano ay marami akong natutunan sa mga scriptwriters na nakasama ko sa taping.

“The admin and I handle this account. Pasens'ya na if you are uncomfortable with my personal posts. But this is my page and if you don’t like it, it is okay to unfollow.”

Dagdag pa ng aktres, “And yes, this is Jen. May admin po ang account na eto, but I handle it as well.

“Mas nagpo-post po ako ng opinyon ko dito kesa sa Twitter (hindi talaga ako ma-Twitter) or Instagram kasi gusto kong maka-interact, makadiskurso, at minsan makipagkulitan sa mga nagpa-follow dito.

“This is my page where you can see photos or videos of myself. But this is also my oldest platform kung saan gusto kong i-share sa inyo (ang) mga naiisip ko ngayong may pandemya.

“Sa mga nagsasabi na hindi nila gusto 'yun at puro political views o tungkol sa mga nangyayari (ang) ipino-post ko, kindly unfollow.

“Please do not limit what I can or can’t do in my own account.

“As we grow older mas lumalawak ang ating isipan at mas gusto nating ipamahagi ang nasa isip natin at nararamdaman sa iba. Change is inevitable.

"Let’s spread love, respect, and positivity.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page