P750 K daw ang kailangan… JOEY PARAS, WALANG PAMPA-ANGIOPLASTY, TODO-HINGI NG TULONG SA MGA KAIBIGAN
- Nitz Miralles
- Jun 10, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Sana, marami ang tumulong kay Joey Paras na humihingi ng financial help dahil sasailalim siya sa heart surgery o angioplasty at aabot ng P750,000 ang kanyang magagastos.
Sana, tulungan siya ng mga kaibigan niya sa showbiz para hindi na niya ibenta ang house and lot niya for his surgery.
Saan pa titira si Joey after his operation kung ibebenta nito ang bahay niya? Natuwa na sana si Joey dahil negative siya sa Covid-19, pero may heart failure at edema naman siyang kinakaharap.
Sa mga gustong tumulong kay Joey, puwedeng mag-deposit sa BDO sa pangalan ni Joseph Estrada Paras, account number is 000901023930, at sa BPI Family Savings Bank - 6754-0178-92 or GCash 09177062777.
Any amount will do, kumakatok si Joey sa mga puso natin.





Comments