Mukhang disente at edukado pero… PINKY, BUKING NA MATAPOBRE NANG MURA-MURAHIN ANG HOTEL STAFF
- Erlinda Rapadas
- Jun 10, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Shocked kami at hindi makapaniwala sa ginawa ng magaling na aktres na si Pinky Amador kung saan minura-mura niya ang isang staff ng hotel dahil hindi nagawang mag-advise o magpaskil na may tinanggap silang PUM sa hotel sa Makati kung saan tumutuloy din si Ms. Amador.
Health hazard at nag-panic siyempre ang aktres dahil takot nga itong mahawa ng COVID-19. Maiintindihan mo kung saan nanggagaling ang kanyang galit at pagpa-panic.
Pero, ang hindi namin maintindihan ay ang sobra niyang panlalait at pagmumura sa kaawa-awang hotel staff na daig pa ang nakagawa ng isang malaking krimen. Napakaarogante ng dating ni Pinky Amador sa kanyang ginawa. Hindi mo ini-expect ang ganu'ng klaseng pag-uugali sa isang katulad niyang mukhang disente at edukado.
Dismayado ang marami sa inasal ni Ms. Amador. Lumabas ang kanyang pagiging matapobre at mapang-api sa mahihirap. Inalisan niya ng dignidad ang kaawa-awang female hotel staff na kanyang minura.





Comments