Motorsiklo sumalpok sa pader, rider dedo
- BRT
- Jun 10, 2020
- 1 min read
Aklan—Isang rider ng namatay nang aksidenteng bumangga sa pader ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Numancia.
Ang biktima ay nakilalang si Wemel Pateno, nakatira sa Bgy. Silakat Nonok, Lezo sa nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Pateno sa pagmamaneho kaya bumangga sa pader ang motorsiklo nito.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa pader ay nagkaroon ng malalaking pinsala sa katawan.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments