top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Hunyo 10, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 10, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 10, 2020 (Miyerkules): Maraming pagpapala ang nakapila para sa iyo sa landas ng buhay na iyong tinatahak kaya kahit kailan, huwag kang hihinto sa paglalakad.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming kaba ang nadarama mo dahil walang kasiguraduhan ang mga araw na darating ang payo kaya kumalma ka lang. Ang langit ay maghuhulog ng mga surpresa at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Malabong magtagumpay ang nag-aalinlangan, pero ang taong tinutukan ang kanyang nag-iisang layunin ay tiyak na magtatagumpay. Masuwerteng kulay-beige.

GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo nang kunin ang maliliit at malalaking suwerte na nasa harapan mo kahit hindi mo pa kailangan. Sa ibang araw, magagamit mo ang mga ito sa iyong sarili at pagtulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-blue.

CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang iyong loob ngayon, kaya ang nagkasala at nagkamali sa iyo ay mabilis mong mapagbibigyan. Huwag kang mag-alala dahil ang totoo, dahil sa bait mo, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-black.

LEO (July 23-Aug. 22) - Habaan mo ang iyong pang-unawa. Hindi lahat ng tao ay may mataas na personalidad tulad mo kaya kailangan mong malaman na ang nasa itaas ang dapat magpakumbaba. Masuwerteng kulay-violet.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamit ang talas ng iyong isipan, bibilis ang iyong pag-unlad. Kaya kahit nasaan ka at kahit ano ang iyong gagawin, bitbitin mo ang talas ng iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malakas ang karisma mo at ito ang gamitin mong kasangkapan nang mapasaiyo ang magagandang bagay sa mundo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Baguhin mo ang iyong plano kapag kailangan. Huwag kang tumulad sa iba na matigas ang ulo kahit may kailangang baguhin sa kanilang diskarte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ayaw sumunod sa iyo, kumalma ka lang. Madalas natatauhan muna ang tao bago siya umayon sa tama at matuwid na dapat gawin. Ito ang mensehe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang iyong kalusugan tulad ng pag-iingat mo sa iyong mamahaling alahas. Kapag maganda ang iyong kalusugan, ang iyong pagyaman ay ginagarantiyahan. Masuwerteng kulay-green.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka! Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo dahil hindi nila kilala kung ano at sino ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong baguhin ang iyong malaking ambisyon. Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na kahit gaano kalaki at kadakila ang iyong pangarap, ito ay tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page