top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa career… PAOLO, NO CHOICE KUNDI IWAN SI LJ AT ANAK

  • Erlinda Rapadas
  • Jun 9, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

May maisasakripisyo si Paolo Contis sakaling magbalik siya sa pagtatrabaho.

Isang pelikula ang plano nilang gawin ni Boy2 Quizon pero kapag tinanggap niya ang project ay hindi muna siya makakauwi ng more than two weeks. Kailangan kasi na mag-stay lang sila sa location upang masunod ang bagong protocol na pinaiiral ngayon upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. Ito ay isa sa mga guidelines ngayon sa new normal na sistema sa movie and TV production.

Pero, iniisip pa lang ni Paolo na mawawalay siya sa kanyang mag-inang LJ Reyes at Baby Summer ay nalulungkot na siya. Mahaba-habang panahon din na nagkasama-sama silang mag-anak noong magkaroon ng ECQ sa buong Metro Manila. Nasanay na siyang araw-araw ka-bonding ang kanyang mag-ina.

Pero, kailangan nga niyang magsakripisyo dahil siya ang padre de familia at tungkulin niyang buhayin ang kanyang mag-anak. Tiyak namang maiintindihan ni LJ Reyes at ng kanilang anak kung babalik trabaho na si Paolo Contis.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page