Magsasaka, tinadtad ng taga ng katoma
- BRT
- Jun 9, 2020
- 1 min read
Camarines Norte—Namatay ang isang magsasaka nang tadtarin ito ng taga ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Bagong Silang, Labo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cecilio Fuentes, samantalang ang suspek ay si Sonny Ecat, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Fuentes at Ecat ay sa hindi malamang dahilan ay biglang pinagtagaga ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng mga residente si Fuentes sa ospital, pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.
Nabatid na nagtangka pang tumakas si Ecat, pero mabilis siyang nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.





Comments